-- Advertisements --

Muling iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na walang mangyayaring ceasefire hanggang walang bihag na napapakawala ang Hamas.

Sa muling talumpati nito sa harap ng kaniyang mga sundalo na nanawagan ito sa mga mamamayan ng Gaza na kung maari ay lumikas na ang mga para hindi sila maipit sa kanilang military operations.

Ipinagmalaki rin nito na maraming mga kuta ng Hamas ang kanilang nakubkob at nasira dahil sa nasabing operasyon.

Magugunitang maraming mga bansa ang nanawagan sa Israel at Hamas ng pagkakaroon ng ceasefire subalit hindi pumayag ang Israel.