Pinanindigan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi nila pakakawalan ang ilang libong terorista bilang bahagi ng kasunduan ng Hamas.
Sinabi nito na mangyayari lamang ito kapag nakamit na nila ang tunay na layunin nila sa laban.
Iginiit din nito na hindi niya tatanggalin ang mga sundalo niyang nakatalaga sa Gaza.
Kahit gaano karaming mga kasunduan ay hindi ito tatalima hanggang tuluyang mawala ang mga Hamas.
Ang pahayag na ito ni Netanyahu ay kasunod ng pinag-aaralan ng Hamas na proposal ng hostage deal at ceasefire na kapalit ang tuluyang pagtanggal ng mga sundalo ng Israel sa Gaza.
Kinumpirma rin ng Israel Defense Forces na nilagyan nla ng tubig ang mga pinaghihinalaang tunnels ng Hamas sa Gaza.
Ayon sa IDF na kanilang sinusubukan ang paraan ng pag-pump ng tubig dagat sa mga tunnels para mapilitang lumabas ang mga Hamas.
Gamit ang tubo at mga pambomba ng tubig ay nilalagyan nila ng mga tubig ang nasabing mga tunnels.
Ikinabahala naman ng ilang eksperto na dahil baka madamay pa lalo ang mga hostages sa mga inilalagay nilang tubig.