-- Advertisements --

Nagbabalik bilang prime minister ng Israel si Benjamin Netanyahu.

Ito ay matapos na makuha niya ang confidence vote ng binuo niyang bagong gobyerno.

Sa 120 miyembro ay mayroong 63 ang pumabor sa bagong gobyerno at 54 naman ang hindi sang-ayon sa pagbuo ng bagong gobyerno.

Matapos nito ay agad na nanumpa sa kaniyang opisina ang 73-anyos na si Netanyahu.

Naging Prime Minister na si Netanyahu mula 1996 hanggang 1999 at sa pagitan ng 2009 at 2021.

Sa kaniyang talumpati ay tiniyak niya ang pagtatapos ng “Arab-Israeli conflict”.

Nagwagi si Netanyahu noong parliamentary election na ginanap noong Nobyembre.