Binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Hezbollah matapos ang napaulat ng pagkamatay ng sibilyan sa border nila ng Lebanon.
Isa umanong Israeili civilian ang nasawi mula sa anti-tank missile na pinakawalan sa Lebanon.
Dagdag pa ni Netanyahu na kapag magkamali ang Lebanon ay maaring matulad sila sa nangyari sa Gaza.
Ang Hezbollah ay organisasyon na politically influential at kontrolado nito ang sandatahang lakas sa Lebanon.
Nanawagan naman ang Amnesty International ng imbestigasyon ng mapatay ng air strike ng Israel ang isang journalist at anim na iba pa sa south Lebanon noong Oktubre 13 na dapat na imbestigahan ito bilang war crime.
Umabot naman sa 17,177 na Palestinian ang nasaw habang mahigit 46,000 sugatan sa Gaza mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang ground operations.
Ayon sa Hamas-run health ministry na sa loob lamang ng 24 oras ay mayroong 350 Palestino ang nasawi at 1,900 ang sugatan.
Karamihan aniya sa mga nasawi ay mga kababaihan at kabataan.