Inamin ni Neri Naig na ang singer-husband nitong si “Chito” Miranda ang may hawak sa kanilang household budgeting.

Ito’y taliwas sa karamihang financial set up sa mga mag-asawa kung saan ang misis ang karaniwang humahawak dapat sa pera upang mag-budget.

Ayon sa 34-year-old former actress, tiwala siya sa Parokya Ni Edgar vocalist pagdating sa money matters kung saan magaling itong mag-ipon at katunayan ay kumukonsulta rin siya rito pagdating sa kanyang negosyo.

Hiwalay din aniya ang kanilang mga bank accounts at hands off din sa kanya ang 44-year-old husband sa kung paanong paraan gagastusin ang pera lalo na pagdating sa kanilang three year old son.

Para kay Chito o Alfonso Miranda sa tunay na buhay, ang papel niya sa kanilang pamilya ni Neri ay maging provider kung saan lahat ng gastos sa bahay ay siya ang may toka.