Inanunsiyo ng dating actress na si Neri Naig na ito ay buntis.

Neri Naig

Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng baby bump niya sa ikalawang anak nila ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.

Ginaya naman ni Chito ang posing ng asawa at doon kinumpirma ang muling pagdadalang tao nito.

Ikinasal ang dalawa noong 2014 at isinilang ang panganay nila na si Miggy noong 2016.