-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Nepali Prime Minister KP Sharma Oli dahil sa malawakang kilos protesta.
Ang nasabing pagbibitiw niya ay kasunod ng hindi bababa sa 20 katao na ang nasawi dahil sa kilos protesta.
Gumamit ang mga kapulisan ng live ammunition, water cannons at tear gas laban sa mga protesters.
Pinagbabato rin at sinira ng mga protesters ang ilang bahagi ng bahagi ng nagbitiw na Prime Minister Oli.
Ikinagalit ng mga protesters ang ipinatupad ng gobyerno ng pagbabawal ng paggamit ng social media ganun din ang mga malawakang kurapsyon.
Magkakasunod din ang pagbibitiw ng ilang mga cabinet ministers.
Nanawagan na si Nepal President Ramchandra Paudel sa mga protesters na magkaroon ng mapayapang pag-uusap.