NAGA CITY- Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa Barangay Sibobo,Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Exequiel Barrios.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Patrolman Jeffrey Mediario, ayon sa report, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima ng bigla na lamang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nakatakbo pa sana sa loob ng bahay ang negosyante ngunit sinundan pa ito ng salarin.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasamahan nito.

Samantala, agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit, hindi na binawian din ng buhay sa gitna ng medikasyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.