NAGA CITY – Arestado ang isang negosyante na nahaharap sa patong-patong na kaso sa Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Ruel Villanueza Dacillo, 37-anyos.

Sa nakalap na impormasyaon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na nahaharap si Dacillo sa patung-patong na kasong frustated murder at murder.

Si Dacillo ang umano’y miyembro ng Bagong Hukbong Bayan/Armando Catapia Command na isang communist group.

Maliban dito, sinasabing ang naturang suspek ay naging bahagi ng nangyaring ambush sa Brgy. Daguit, Labo, Camarines Norte noong Disyembre 2, 2017.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mag otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.