Julia Barretto
Julia Barretto/ IG post

Mariing pinabulaanan ng negosyanteng si Ramon Ang nakarelasyon niya ang actress na si Julia Barretto.

Kasunod ito ng paglabas ng balita na nakarelasyon ng actress ang President at CEO ng San Miguel Corporation.

Sa inilabas na pahayag ng 65-anyos na negosyante, sinabi nitong hindi pa niya nakikila ang actress at itinuturing na lamang niya ito na parang apo.

Pinayuhan na lamang niya ang marami na tigilan na ang nasabing pagkalat ng balita dahil mas marami pang dapat asikasuhin para sa ikakabuti ng bansa.

Nauna ng pinabulaanan ng ina ni Julia na si Marjorie na ibinebenta niya ang kaniyang mga anak sa mga mayayaman.