-- Advertisements --

ILOILO CITY – Arestado ang isang negosyante matapos nagtangkang magpasabog ng granada sa bayan ng Zarraga, Iloilo

Ang arestado ay si Jose Rey Parreno , 38, residente ng Bongco, Pototan, Iloilo at may-ari ng isang furniture shop.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Johny Arnad, hepe ng Zarraga Municipal Police Station, sinabi nito na nagsasagawa sila ng police visibility sa Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo nang mahuli nila si Parreño kasama ang kanyang maybahay habang sakay sa motorsiklo.

Ayon sa hepe, nang makita ni Parreño na may mga pulis, tumigil sila at nang nilapitan ng mga otoridad, dito na at nakuha sa kanyang posisyon ang Mk 2 grenade, M67 hand grenade at .38 revolver.

Naniniwala naman ang hepe na may plano si Parreño na pasabugin ang dalawang granada.