CENTRAL MINDANAO- Agaw motorsiklo ang motibo sa nangyaring pamamaril sa isang negosyante at 2 anak nito dakong 7:20 kagabi sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Badrudin Salik Mamalangkas at sugatan ng kanyang 2 anak na sina Samsudin at Princess mga residente ng Sultan Kudarat Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat PNP na habang sakay ang mga biktima sa isang kulay itim na Honda XR200 na may plakang KQ7622 sa Sitio Torres Brgy Limbo Sultan Kudarat Maguindanao ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo patungong Cotabato City.

Patay on the spot si Badrudin na tinamaan sa ulo habang sugatan ang kanyang dalawang anak na naisugod sa pagamutan sa Cotabato City.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat Maguindanao PNP sa naturang pangyayari.