CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang negosyante sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City matapos na masamsaman ng mga baril at bala sa pagsisilbi ng search warrant sa kanyang bahay.
Ang dinakip ay si Pedro Daliwag, 47 anyos, may asawa at residente ng naturang barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Cauayan City Police Station, Isabela Provincial Field Unit – Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 2, PNP SAF, Police Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Office at Highway Patrol Group ang search warrant na inilabas ni Hukom Reymundo Aumentado executive judge ng RTC second Judicial region branch 20 Cauayan City.
Nakumpiska ang isang 45 Caliber pistol na may pitong bala, tatlong piraso ng Steel magazine ng 45 Caliber pistol, labingsiyam na piraso ng bala ng 45 Caliber pistol, limang pirasong bala ng 38 caliber revolver, anim na bala ng 9mm pistol, apat na bala ng shotgun, tatlong pirasong long steel magazine para sa M16 riffle, tatlong pirasong short steel magazine ng M16 riffle, dalawang piraso ng holster ng 45 Caliber pistol, isang piraso ng Tactical holster ng 45 caliber pistol, isang piraso ng cartridge case ng 45 Caliber pistol, isang 45 Caliber pistol replica, isang comoflage na bandolier, dalawang bag na Itim, labing apat na bala ng 22 Caliber at isang daan apatnapu’t limang bala ng M16 riffle.
Pagkatapos ng implementasyon ng search warrant at inventory ng mga nakumpiskang items sa presensya ng mga opisyal ng barangay ay tinanong ng mga otoridad ang suspek kung mayroon pa itong iniingatang mga bala at baril at boluntaryo nitong isinurender ang ilan pang mga items mula sa kanyang Hyundai starex van na sasskyan.
Kabilang sa mga ito ang isang M16 rifle Colt; dalawang long steel magazine na may limampu’t tatlong bala para sa M16 rifle; isang carbine caliber .30; isang Ingram M2 caliber 9mm; isang caliber .45 pistol; isang short steel magazine na may anim na bala para sa caliber .45 pistol; isang colt caliber .45 pistol; isang steel magazine para sa caliber .45 pistol na may pitong bala; tatlong steel magazine para sa carbine M1 na may tatlumpu’t siyam na bala; isang steel magazine na para sa machine pistol at may labing anim na bala, dalawampu’t isang bala ng 12 gauge shotgun; dalawang pistol box; dalawang tactical bag at isang bag ng machine pistol.
Maayos at naging mapayapa ang naturang operasyon na sinaksikan ng ilang opisyal ng barangay.