Arestado sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang negosyante sa Barangay Punta 1, Tanza, Cavite, kaninang umaga.
Kinilala ang suspek na si Rogelio Bargaso y Tabanao, 44-anyos.
Nahulihan ng matataas na kalibre ng armas ang negosyante sa loob mismo ng bahay nito batay sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang isang AK47, 12 gauge shotgun at isang 45 calibre na pistola at mga bala.
Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ni Tabanao.
Ayon kay PNP-CIDG anti-transnational crime unit commander, P/Supt. Roque Merdeguia, kasama sa iimbestigahan nila ang posibleng koneksyon ng suspek sa mga criminal group.