-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kinumpirma ni Sen. Manny Pacquiao na mayroong mangyayaring negosasyon ngayong linggo kaugnay sa nakatakda nitong laban.

Sa pahayag ni Pacquiao, kasama sa pag-uusapan ang petsa ng aabangang laban gayundin ang venue at sino ang makakatunggali.

Bilang preparasyon sa inaasahang laban, nagsimula na ito sa kanyang training sa pamamagitan nang pag-jogging at exercise.

Pero ayon kay Top Rank Promotions Chief Executive Officer Bob Arum, ang napag-usapan ay si Terence Crawford ang makakalaban ng eight division world champion.

Una rito, sinabi rin ni Crawford na nais niya nang makalaban ang fighting senator.

Si Crawford ay may 37 panalo, 28 knockout at walang talo, na may hawak sa ngayon ng World Boxing Organization (WBO) world welterweight belt.