-- Advertisements --

NegOr 1st district Board Member Jessica Villanueva, nagpasa ng resolusyon na nagdeklarang nanatiling normal ang pamumuhay sa lalawigan at ‘business as usual’

Sa gitna ng imbestigasyon ng senado kaugnay sa pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at mga insidente ng pagpatay sa Negros Oriental, nakatuon ngayon ang pansin ng publiko sa lalawigan.

Kaya naman, bilang Chairman ng committee and peace and order, nagpasa ng resolusyon si NegOr 1st district Board Member Jessica Villanueva para ideklarang nanatiling mapayapa ang probinsya at ‘business as usual’ pa rin.

Ayon kay Villanueva sa ginanap na 16th Sangguniang session, naapektuhan umano ang imahe ng lalawigan sa imbestigasyon lalo na sa mga ibinalita.

Malaki din umano ang epekto nito sa industriya ng turismo at nagdulot ng pagka-alarma at pag-aalala sa mga NeOrenses sa labas ng probinsya.

Kaya naman, para payapain ang mga naninirahan sa lalawigan at sa mga ibang bansa, idineklara nitong nanatiling mapayapa ang probinsya at normal pa rin ang pamumuhay.

Samantala, pinuri naman ni Vice Gov. Chaco Sagarbarria ang ipinasang resolusyon at idinagdag na maging siya ay nakatanggap at nakarinig ng negatibong pananaw mula sa mga tao sa labas ng probinsya.

Umaasa naman si Sagabbaria na makakatulong ito sa pagpapagaan o pagbibigay-liwanag na napanatili pa rin ang kapayapaan at kaayusan sa Negros Oriental.

“I hope the national agency would also see this resolution as..everything here is still fine. We are not a war torn province irregardless of all the issues that has come out, ani Sagarbarria”