-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namigay ang Department Of Labor and Employment (DOLE) ng mga negocart sa 30 beneficiaries sa Cauayan City .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DOLE Supervisor Froctoso Agustin, supervising labor and employment officer, sinabi niya na isa sa mandato ng DOLE na tumulong sa mga nangangailangan ng financial assistance para sa livelihood program na layuning na maibsan ang kahirapan ng mga mamamayan lalong lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa pamamagitan ng DOLE, LGU at PESO ay nagbigay sila ng negocarts na nagkakahalaga ng Php30,000.00 bawat isa para sa mga nagnanais na magkaroon ng kaunting negosyong pagkakitaan upang may pangsuporta sila sa kanilang mga pamilya.

Prayuridad nila dito ang mga disadvantage women, persons with disability at ilang magsasaka na nakikisaka lamang.

Bago napili ang mga beneficiary sa naturang programa ay ay nagsagawa ng evaluation at assessment ang mga kawani ng Public Employment Service Office (PESO) upang matiyak na sila ay karapat dapat na makinabang sa programa .

Kapag naiuwi na ng mga benepisyaryo ang kanilang mga negocart ay magsasagawa pa rin ang DOLE ng semi-annual monitoring upang matiyak na nagagamit ng tama .

Ayon pa kay DOLE Supervisor Agustin, kapag nakita nilang napapalago ng isang benepisyaryo ang naibigay na maliit na negosyo ay maaaring mag-request ang mga ito na para sa project expansion bilang reward.

Ngunit kapag napabayaan naman ang ipinagkaloob na Negocart ay babawiin at ibibigay sa ibang nangangailangan na nakahandang palaguin .

Magbibigay din ng sales income report ang lahat ng beneficiaries sa PESO para matukoy kung kumikita ang kanilang negosyo.