Nananatili sa target range ng gobyerno ang naitalang February inflation na nasa 2 percent hanggang 4 percent para sa taon sa kabila ng pagbilis ng inflation nuong January 2024 record na nagpapakita din na matagumpay ang macroeconomic management.
Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Iniulat din ng NEDA na ang February 2024 inflation ay bumilis sa 3.4 percent nuong buwan ng February 2024 mula sa 2.8 percent nuong January 2024,ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, na higit na itinulak ng mas mabilis na inflation ng bigas.
Nabanggit ng NEDA na sa kabila ng pagbilis, ang core inflation, hindi kasama ang volatile food at energy prices, ay talagang bumagal sa 3.6 percent mula sa 3.8 percent, na nagpapahiwatig ng stability sa underlying price movements.
Ayon kay Special Assistant to the President on Investments and Economic Affairs Frederick Go ang inflation sa buwan ng Pebrero ay nasa target range ng gobyerno.
Siniguro ni Go na ang economic team ay patuloy na naghahanap ng mga programa at hakbang upang mai-manage mga primary contributors sa infalation.
Inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) ay magpapatuloy sa pag monitor sa presyo ng bigas at sa iba pang mga commodities upang mabigyan ang Pangulo at ang mga gabinete ng mga kaukulang polisiya at rekumendasyon para matiyak ang matatag at maging abot kaya ang presyo ng mga pangunahing basic commodities.
Bilang tugon sa nararanasang El NiƱo phenomenon, ang gobyerno ay nagpatupad ng stop-gap measures gaya ng importation sa ilang mga mahahalagang commodities hanggang sa mag stabilize ang presyo at maging abot kaya na ang presyo sa mga consumers.