-- Advertisements --
Inendorso ni Finance Secretary Benjamin Diokno si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary bilang malakas na contender para sa posisyon bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Sa kasalukuyan hinahawakan ni PBBM ang naturang posisyon para maipagpatuloy pa ang mga reporma sa ahensiya.
Inilarawan pa ng Finance chief si Balisacan na angkop na kandidato dahil sa pagiging pamilyar na nito sa sektor ng agrikultura at nakalipas na karanasan nito sa kagawaran.
Kung matatandaan, nanungkulan din si Balisacan bilang agriculture undersecretary sa termino noon ni dating Pangulong President Gloria Macapagal Arroyo.