Itinaas sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, matapos makarinig ng mga sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng ikalawang palapag ng Senado.
Ayon sa PNP, ang hakbang ay bahagi ng standard security protocol at para matiyak ang kaligtasan ng publiko habang iniimbestigahan pa ang insidente.
“Based on reports from personnel on the ground, security monitoring and police presence in the vicinity of the Senate premises were intensified this evening following a reported incident currently subject to verification,” saad ng PNP sa kanilang pahayag.
Isinagawa ang alert status bandang ala-8:30 ng gabi kagabi na nagresulta rin sa pagkakansela ng leave at dagdag na deployment ng mga pulis sa paligid ng Senado.
Nasa 1,500 pulis ang naunang ipinakalat sa lugar para bantayan ang lugar.
Patuloy na naka-deploy ang mga awtoridad habang iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng mga serye ng putok ng baril at ang aktuwal na pangyayari sa loob ng gusali.
















