-- Advertisements --

Pinag-iingat ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang publiko laban sa mga kumakalat na pekeng email accounts, na ginagamit ang pangalan ng mga opisyal at ng ahensya.

Sa isang pahayag, sinabi ng NEDA, na may mga online poser ang nagpapanggap para makapag-solicit ng pera.

Paglilinaw ng ahensya, hindi ito nanghihingi ng anumang sponsorship funds mula sa external providers para mapondohan ang kanilang mga proyekto.

Nai-report naman na nito ang naturang insidente sa mga otoridad.

Hinikayat naman ng NEDA ang pubpiko na idouble-check ang email addresses ng natatanggap at makipagugnayan lamang sa official NEDA email addresses, na nagtatapos sa @neda.gov.ph.

Iwasan din aniyang i-click ang mga kaduda-dudang links na kakabit ng email, upang maiwasang mabiktima ng mga scammers.