-- Advertisements --
Kinokonsidera ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pansamantalang pagbabawas ng ipinapataw na taripa sa mga bigas.
Sa nasabing hakbang aniya ay maaring makatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas.
Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na kapag ito ay ipinatupad din ay maaring bumagal ang inflation.
Base kasi sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang inflation nitong Agosto sa 5.3 percent dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas at langis.
Magugunitang nitong Setyembre 5 ng ipatupad ang national price celing para sa mga bigas para makontrol ang pagtaas ng presyo nito at para tuluyang matuldukan ang tinatawag na rice hoarding.