Ibinunyag ni National Economic and Development Authority na hindi pa nagagawa ng bansang Tsina ang mga pangako nito pondohan ang ilang mga infrastructure projuects sa Metro Manila at Mindanao.
Dahil dito, nais ng NEDA na buksan ang pintuan nito para sa iba pang mamumuhunan upang sila na ang magtuloy sa mga nasabing proyekto na unang ipinangakong pondohan ng nasabing bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, ang naunang ipinangako ng Tsina ay ang $1.06billion na pondo para sa ilang railways projects sa nasabing lugar. Ito ay katumbas ng P57.82Billion, na inisyal sanang gagamitin para sa Mindanao Railway Project.
Ang Mindanao Railway Project ay ang ipinagmamalaking proyekto ng nakaraang Duterte Administration sa ilalim ng Infra Sector ngunit hindi naman natupad.
Ayon kay Balisacan, nais na nilang makita ng iba pang mga investors ang potential ng nasabing proyekto, kasama ang iba pang mga proyekto na mistulang binalewala ng Tsina, upang maisakatuparan na sa lalong madaling panahon.
Maaari aniyang buksan din ito sa iba pang mga bansa, na may interest na kumpletuhin ang proyekto.
Sa kabila nito, hindi pa rin naman isinasantabi ng kalihim ang posibilidad na magpatuloy ang naunsyaming usapan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, basta’t makita lamang ang commitment ng nasabing bansa.