-- Advertisements --

Tiwala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, na tataas ng anim na porsyento ang ekonomiya ng bansa sa pagtatapos ng 2023.

Ayon pa sa kalihim na ang nasabing bilang ay siyang growth target nila na mula 6 hanggang walong porsyento.

Para makamit aniya ang nasabing target ay dapat makapagrehistro ang bansa ng 7.2 percent na Gross Domestic Product sa last quarter ng 2023.

Giit pa nito na hindi na tumataas ang presyo ng mga basic commodities sa bansa kahit na hindi naabot ang 6 percent na GDP.