-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang Department of Economy, Planning, and Development sa panukalang pagpapababa ng value-added tax (VAT) upang maibsan ang pasanin ng publiko, habang nananatili namang walang opisyal na tindig ang Department of Finance (DOF)

Ang pahayag na ito ay kasunod ng naging pagkuwestiyon ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa Kamara kung sino ang nasa likod ng pagharang na tapyasan ang nasabing buwis.

Ayon kay Sec. Arsenio Balisacan, pabor siya sa pagbawas ng VAT ngunit kailangang isaalang-alang ang magiging epekto nito sa pangongolekta ng pondo ng pamahalaan.

Iginiit ng kalihim na dapat humanap ng alternatibong pagkukunan ng pondo kung ibababa ang buwis

Samantala, inamin ni DOF Usec. Karlo Adriano na sa ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na position paper ang kanilang ahensya patungkol sa isyu.