Inalerto na ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng mga electric cooperatives (ECs) sa Northern Luzon sa posibleng epekto ng bagyong Kiyapo.
Inatasan ng NEA – Disaster Risk Reduction and Management Department ang mga EC na magpatupad na ng contingency measures para maiwasan ang labis na impact ng bagyo sa power services.
Pina-activate ng ahensiya ang ang emergency response teams para magsagawa ng kaukulang action plan bago pa man ang labis na pananalasa ng bagong bagyo.
Pinapasiguro rin ng ahensiya sa mga EC na my sapat na mga material o buffer stock na magagamit para sa posibleng pagsasagawa ng power restoration sa mga power consumer na maaaring maapektuhan.
Batay sa pagtaya ng state weather bureau, posibleng lalo pang lumakas ang bagyong KIyapo habang papalapit sa kalupaan ng bansa.
Sa kasalukuyan, ilang lugar na rin ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 tulad ng coastal municipalities sa Northern Luzon.
















