CAUAYAN CITY – Hindi inaprubahan ng National Electrification Administration (NEA) ang request ng OIC/General Manager ng ISELCO II na si Charles Roy Olinares na schedule ng District Election at Annual General Membership Assembly (AGMA).
Una ng hiniling ng ISELCO II na isagawa ang AGMA noong July 31, 2022 habang ang election sa District 2 at 7 ay isasagawa sa September, 2022.
Hiniling din nilang isagawa ang election sa District 3 at 9 sa March, 2023 at District 1,5 at 6 sa March, 2024.
Ayon sa NEA nakatakda nang magsagawa ng election ang ISELCO II para sa siyam na distrito sa 3rd quarter ng 2022, batay ito sa NEA Memorandum no. 2022 (“Conduct or Regular District Elections in year 2022 and Annual General Membership Assembly) na ipinalabas noong January 28, 2022.
Hindi rin nakalagay o napabilang sa request letter ng ISELCO II ang District 6 at 8.
Hinimok ng NEA ang kooperatiba na magsumite ng board resolution para sa specific schedule sa loob ng 2022 calendar at nagbigay din sila ng suhestiyon para sa schedule ng election.
Ayon sa NEA, isasagawa ang election para sa District 2 at 7 sa September 3-4, 2022.
Hiniling din nilang isagawa ang election sa District 3 at 9 sa September 10-11, 2022 at District 1, 5 at 6 sa September 17-18, 2022.
Isasagawa naman ang election para sa District 6 at 7 sa September 24-25, 2022.
Samantala ang Screening Committee ay dadalo sa election upang mag-observe at mai-implement ang pertinent provisions ng RA 10531 at ang IRR nito pangunahin na ang pagkuwalipika o diskwalipika sa mga kandidato.