-- Advertisements --

Nakatakda raw mag-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 11,000 police officers sa kasagsagan ng Holy Week sa susunod na linggo.

Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, ang mga pulis ay magbabantay sa mga simbahan, transportation hubs at tourists destinations.

Ang mga pulis ay ide-deploy para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kasagsagan ng Semanta Santa.

Una rito, iniulat ng PNP na tumaas ang kaso ng robbery at Theft sa Metro Manila dahil sa pagluluwag ng restrictions.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo na naka-heightened alert na ang mga ito simula sa Abril 11 o sa Lunes.

Nagbigay na rin ang Department of Transportation (DoTr) ng hotlines sa publiko para sa aviation, road transport, railways at maritime bilang paghahanda sa Holy Week.