Nakatakdang magsagawa ng ocular inspection ngayong araw si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PDir. Oscar Albayalde sa umano’y natuklasang secret jail sa Police Station 1 ng Manila Police District (MPD).

Natuklasan ng Commission on Human Rights (CHR) na may 10 indibidwal na nakakulong sa nasabing tagong kulungan.

Pinaiimbestigahan na ni Albayalde ang insidente at tiniyak na mananagot ang sinuman ukol dito.

Aminado si Albayalde na siya ay nasurpresa na may tagong kulungan sa loob ng police station.

Sinabi ng heneral na nakagawian na umano ng iba’t ibang istasyon ng PNP na ilipat sa mga bakanteng kwarto ang mga preso sa tuwing napupuno ang mga selda.

-- Advertisement --

Pinagpapaliwanag na rin ni Albayalde ang station commander ng Police Station 1 ng Manila Police District (MPD).