Dismayado si NCRPO chief PDIR Oscar Albayalde sa pagkakahuli sa isang police colonel na nahuling nagpa pot session bandang alas-5:30 kaninang madaling araw sa may Everlasting Homes, Talon Kuatro, Las Piñas City.

Iprinisinta kay Albayalde ang nasabing police official na gumagamit ng droga.

Nakilala ang adik na police officer na si PSupt. Lito Dumandan Cabamongan na naka assign bilang chief ng Alabang Satellite Office, PNP Crime Laboratory Service.

Bukod kay Cabamongan ay arestado din ang babaeng kasama nito na nakilalang si Nedy Sabado.

Nakumpiska sa posisyon ni Cabamongan ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang disposable lighters at tatlong aluminum foil strips.

Kaagad dinisarmahan ng mga arresting policemen ang opisyal na pulis at inalisan ng chapa.

“This goes to show that there is no sacred cow in our internal cleansing,” wika ni Albayalde.

Tiniyak ni SPD director, CSupt. Tomas Apolinario na walang VIP treatment na ibibigay kay Supt. Cabamongan.

Samantala, kinumpirma ni Albayalde na pupuntahan ni PNP chief Ronald dela Rosa sa Las Piñas Police ang naarestong police superintendent.