Nakatakda raw talakayin ng Wage board dito sa National Capital Region (NCR) ang posibilidad na pagkakaroon ng wage adjustment sa mga domestic workers sa rehiyon.
Sinabi ni National Wages and Productivity Commission (NWPC) Executive Director Maria Criselda Sy, posible umano itong isagawa sa susunod na linggo.
Aniya, tatalakayin ang naturang isyu sa isasagawa ng board na public hearing.
Siniguro naman ni Sy sa publiko na magkakaroon din umano ng desisyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) kaugnay ng wage adjustments sa mga rehiyon.
Kung maalala, ang pinakahuling wage hike ng RTWPB ay sa Region 12 (Soccsksargen) noong February 2020.
Nasa 3.6 million namang mga minimum wage earners sa buong bansa ang makikinabang dito kapag inaprubahan na ng lahat ng Wage Boards ang salary hike para sa mga private sector employees.
Sa ngayon, ang RTWPBs sa National Capital Region (NCR), Regions 1 (Ilocos Region), 2 (Cagayan Valley), 6 (Western Visayas) at Region 12 (Caraga) pa lamang ang nag-apruba sa pagtataas ng sahod para sa mga minimum wage workers.
Ang minimum wage sa NCR simula sa susunod na buwan ay aabot na sa P570matapos aprubahan ng Board ang P33 wage increase.
Samantala, ang aprubado namang dagdag sahod sa Region 1 ay naglalaro sa P60 hanggang P90 at ibibigay ito sa pamamagitan ng tatlong tranches.
Kapag epektibo na ang naturang wage increase ay magigng P400 na ang minimum wage sa non-agriculture sector habang P372 naman para sa mga agricultural sector.
Dahil naman sa pagtaas ng sahod sa mga “kasambahay” mula sa dating P500 at ginawang P1,500 ay nasa P5,000 na ang sahod ngayon ng mga kasambahay.
Sa Region 2, ang salary hike namang ay hanggang sa P75.
Dahild ito, ang minimum wage na sa naturang rehiyon ay P420.
Samantala, sa Region 6 naman dahil sa bagong minimum wage na P110 ay magiging P450 na ito.
Sa Caraga Region naman, matapos ipatupad ang wage increase na P30 ay magiging P350 na ang minimum wage.