-- Advertisements --
Pasok na sa low risk classification ang National Capital Region at ang probinsya ng Quezon hanggang kahapon, Pebrero 9, ayon sa independent research group na OCTA.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Dr. Guido David na ang reproduction number sa Metro Manila ay pumalo na lang sa 0.25 habang ang average daily attack rate naman nito ay 6.67.
Ang Quezon naman ay may reproduction number na 0.28 at ADAR na 1.65.
Samantala, nananatili sa moderate risk para sa COVID-19 ang probinsya ng Batangaas, Cavite, Laguna at Rizal.
Sa kabila nang pagbuti ng sitwasyon sa ilang lugar sa bansa, pinapaalalahanan pa rin ni David ang publiko na patuloy pa ring mahigpit na sundin ang health protocols.