Mananatili sa Alert Level-1 ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa hanggang katapusan ng Mayo.
Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, ito ang naging pagpasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili ang National Capital Region ng hanggang Mayo 31.
Ilang mga lugar na nasa Alert Level 1 ay ang mga sumusunod:
Luzon: Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, and Baguio City (Cordillera Administrative Region – CAR) ; Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City; Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, and City of Santiago; Region III: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City, at Olongapo City; Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, at Lucena City; Region IV-B: Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at Puerto Princesa City; at Region V: Albay, Catanduanes, at Naga City.
VISAYAS: Region VI: Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo, Bacolod City, at Iloilo City; Region VII: Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City; at
Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc City, at Tacloban City.
Mindanao: Region IX: Zamboanga City;
Region X: Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Iligan City; Region XI: Davao City; at CARAGA: Surigao del Sur at Butuan City.
Nakasaad sa panuntunan ng IATF na ang mga lugar na nasa Alert Level 1 ay papayagan ang intrazonal at interzonal travel kahit anong edad at comorbidities at ang full-operations ng lahat ng mga establishimento basta may ipinapatupad na minimum health standards.
Nauna ng sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na posibleng manatili sa Alert Level 1 ang buong bansa hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.