Idineklara ng United Kingdom government ang coronavirus bilang isang seryosong banta sa kalusugan ng publiko kasabay nang pagpapatupad nito sa mga bagong patakaran upang labanan ang pagkalat ng coronavirus.
Sa ilalim ng bagong patakaran, maaari nang pwersahan na i-quarantine ang sino man na makikitaan ng sintomas ng naturang sakit at hindi rin ito papayagang lumabas ng bansa.
Umabot na sa 40,000 ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa buong mundo habang 4 naman ang naitalang may nCoV sa UK.
Pumalo naman sa 908 ang nasawi sa China dahil sa nasabing sakit.
Sa inilabas na pahayag ni UK Health Secretary Matt Hancock, may mga napili na umano silang isolationg facilities para sa mga pasyenteng magpopositibo sa sakit.
Ilan sa mga ito ay ang Arrowe Park Hospital at Kents Hill Park conference center.
Ito ay matapos ang matagumpay na pagpapauwi ng bansa sa halos 200 British nationals mula Wuhan, China.
Dinala ang mga ito sa sa Kents JHill Park upang isailalim sa 14-days quarantine habang ang iba naman ay kasalukuyang ginagamot sa Arrowe Park Hospital.