Hinihintay na raw ng Department of Justice (DoJ) ang kabuuang report ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay ng riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na ikinamatay ng siyam na persons deprived pf liberty (PDL).
Kasabay nito, sinimulan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon sa madugong rambulan na ikinasugat din ng pitong katao.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, malalimangvimbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng NBI na sinimulan na kahapon.
Sa ngayon, hinihintay pa rin umano ng kalihim ang official reports mula kay BuCor Dir. Gerald Bantag.
Una nang kinumpirma ni BuCor Spokesperson Col. Gabriel Chaclag na nagbigay na sila ng inisyal na resulta ng kanilang imbestigasyon sa nagyaring insidente.
Tiniyak ni Chaclag na may mananagot sa nangyaring riot at maisasama ito sa records ng mga PDLs na nasangkot sa kaguluhan.
“The NBI started its investigation yesterday. i’ll wait for the reports of BUCOR chief bantag and of the NBI before taking appropriate action. Bucor gave me a partial report yesterday, but i told them to investigate more thoroughly,” ani Guevarra.
Nais naman ng kalihim na malaman muna ang kabuuang detalye ng riot bago gumawa ng aksyon patungkol dito.
Biyernes ng madaling araw nang maganap ang riot sa East Quadrant ng Bilibid.
Sa naturang riot pito ang nalagas na miyembro ng Sputnik habang dalawa naman ang nasawi sa panig ng Comando gang.