Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating NBI Director at dating Manila Mayor Alfredo Lim.
Ayon sa NBI, ang iniwang legasiya ni Lim sa NBI mula December 23, 1989 hanggang March 20, 1992 ay itutuloy pa rin at bahagi na ng Bureau.
Sinabi ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor na mami-miss siya ng mga kasamahan niya sa NBI dahil kahit tapos na ang paninilbihan niya sa bureau ay lagi pa rin itong bumibisita doon sa mga anniversaries, Christmas celebration at iba pang significant events.
“In observance, the Philippine flag will be at Half-mast in the NBI head office and in all its Regional and District Offices across the country,” ani Distor.
Kahapon nang bawian ng buhay ang dating senador at Manila mayor.