-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Jaysen De Guzman ang lahat ng mga kandidato na mismo pag-kontrol sa kanilang mga nasasakupan na political supporters na maging mahinahon habang 10 araw na lang at May 12 midterm elections na.

Pagpapaliwanag ni De Guzman na mas makinig at kumalma ang kanya-kanyang political supporters kapag ang mga kandidato mismo ang mag-abiso na iwasan na maging bayolente laban sa mga nagging katunggali nito sa halalan.

Ginawa ng heneral ang apela dahil nais nito na makuha pa rin ang matiwasay at tahimik na pagdaraos ng halalan na ilang beses na tinamasa ng mga taga-Northern Mindanao region.

Magugunitang nasa higit walong libo na tropa ng gobyerno ang gagamitin upang tiyakin na maisagawa ng maayos ang national at local elections sa rehiyon sa susunod na linggo.