Kinumpirma ng Malakanyang na pinag-uusapan na rin ang pagkasa sa P20 kada kilo rice program ng gobyerno sa Luzon at Mindanao.
Ito’y kasunod ng nakatakdang paglulunsad ng P20 rice bukas para sa Visayas particular sa Cebu.
Ayon kay Palace Press Officer Atty Claire Castro, Kasama din kasi sa dapat na plantsahin ay kung paano ang magiging sistema sa pagbalikat ng subsidiya ukol dito sa hanay ng mga nasa lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Castro ito ang dahilan kung bakit sa gawi ng Visayas unang dadalhin ang 20 pesos per kilo rice gayung sa nasabing area unang nakuha ng national government ang kooperasyon hinggil sa magiging ambag ng mga LGU sa subsidy.
Naging mabilis aniya ang pagsang- ayon ng mga opisyales sa Visayas na Sila ay tutulong para maisakatuparan ang murang bigas sa taumbayan.
Una ng inihayag ng Palasyo na nais ng Pangulong Marcos na maging abot kaya ang bigas sa ating mga kababayan lalo na ang mga nasa laylayan.