-- Advertisements --

Muling tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanyang suporta sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan, na isa umanong mahalagang kaalyado ng bansa sa pagpapa-unlad ng ekonomiya, depensa, at seguridad.

Ginawa ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pahayag kasabay ng pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa mainit na pagtanggap kay Japanese Prime Minister Ishida Shigeru, na dumating Martes ng hapon para sa dalawang-araw na opisyal na pagbisita.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang Japan ay higit pa sa isang malapit na kapitbahay dahil malapit itong kaibigan ng Pilipinas.

Ipinunto rin ng House leader ang bagong pirmahang kasunduan na PH-Japan Reciprocal Access Agreement.

Binigyang-pugay din niya ang tulong pang-ekonomiya ng Japan.

Sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang Mababang Kapulungan ay nakahanda na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa Japan.