-- Advertisements --
Pinabulaanan ng National Bureau of Investigation (NBI) na mayroon silang mga pinipiling mga tao na iniimbestigahan.
Ayon kay NBI cyber crime division chief Victor Lorenzo kahit na anumang estado ng buhay, pribado o pampubliko indibidwal ay kanilang iimbestigahan.
Inamin nila na tumaas ang bilang ng mga cybercrime na idinulog sa kanilang opisina.
Reaksyon ito sa naging puna ng maraming mga mamamayan na inuuna o binibigyang prioridad ng NBI na imbestigahan ang mga reklamo mula sa kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.