-- Advertisements --

Nagtalaga na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga standby agents na magsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y hindi otorisadong importation ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa kabilang na ang mga itinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin said, mayroon na raw verbal order mula kay Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra.

Pero kailangan pa raw niyang matanggap ang written order pero ano mang oras naman ay handa na silang magsagawa ng imbestigasyon.

Maalalang noong nakaraang linggo ay inatasan na ni Guevarra ang NBI na pumasok na rin sa imbestigasyon matapos batikusin ang pagpapaturok ng mga personnel ng PSG.

Justice Secretary Menardo Guevarra ordered the NBI last week to look into unauthorized inoculations against COVID-19 using unregistered vaccines.

Posible namang sa Lunes ay magbibigay na umano ng instructions si Guevarra kay NBI officer-in-charge Eric Distor.

Nangako si Guevarra na wala umano silang sisinuhin sa isasagawang imbestigasyon.