Pastor Joel Apolinario
KAPA founder Pastor Joel Apolinario (video grab from Facebook live)

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinatayang aabot sa 6,000 mga residente sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental ang nakapag-invest sa KAPA na nasa ilalim nang nagpakilalang Pastor Joel Apolinario.

Natukoy ito ng National Bureau of Investigation (NBI-10) sa mga nakumpiskang membership forms matapos magsagawa ng raid sa opisina ng KAPA sa Zone 5, Barangay Igpit, Opol, Misamis Oriental.

Sinabi ni NBI regional director Atty. Patricio Bernales na base sa mga forms na kanilang nakita, P5,000 ang pinakamaliit na na-invest ng mga miyembro nito.

Sinabi ni Bernales na patuloy nilang bubusisiin ang listahan ng mga miyembro ng KAPA maging ang kabuuang halaga na nakulimbat ng investment scheme.

Nauna nang kinumpirma ng NBI ang malaking posibilidad na sasampahan ng kaso ang mga mataas na opisyal at miyembro ng KAPA.