-- Advertisements --
Inaprubahan na ng NBA board of governors ang pagbabalik ng mga laro sa Hulyo 31.
Sa nasabing botohan mayroong 29 na koponan ang pumayag na makabalik na sa paglalaro at tanging ang Portland lamang ang umayaw na bumalik na agad.
Base sa NBA proposal, na babalik sa Hulyo 31 ang mga laro na mayroong 22 koponan at ito ay gaganapin sa Wide World of Sports Complex sa Orlando para mabawasan ang banta ng COVID-19.
Magsisimula ang playoffs sa Agosto habang ang NBA Finals ay inaasahan na matatapos ng hanggang Oktubre 12.
Iminungkahi rin ng NBA ang Disyembre 1 na petsa sa pagsisimula ng 2020-2021 season.
Magugunitang sinuspendi ng NBA ang mga laro noong Marso matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang manlalaro.