-- Advertisements --

Tinangal na ng NBA ang kanilang project sa training center sa Xinjiang region matapos ang batikos na kinakaharap dahil sa pagtrato nila sa mga minorities.

Sa sulat na inilabas ni Senator Marsha Blackburn, ilang milyong dolyar ang kanilang lugi ng hindi na ini-ere ng Chinese broadcasters ang kanilang mga laro noong nakaraang taon.

Ikinagalit kasi ng China ang naging pahayag ng opisyal ng Houston Rockets na sumusuporta sa mga Hong Kong Protesters.

Pirmado naman ni NBA Deputy Commissioner Mark Tatum ang nasabing sulat at sinabi nila na wala na silang pakialam sa Xinjiang basketball academy.

Mahigit isang milyon kasi na mga ethnic Uighurs at ibang mga minorities na karamihan ay mga Muslims Turkics ang itinaboy sa Xinjiang internment camps at sila ay sumailalim sa political indoctrination.