Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang mga NBA supertars sa panalo ng Tampa Bay Buccaneers laban sa Kansas City Chiefs sa score na 31-9 sa ginanap kanina na Super Bowl LV.

BOWL 2

Bumuhos din ang pagbati kay Tom Brady, 43, ang quarterback ng Tamba bay.

Binansagan din ang 43-anyos bilang greatest player of all time matapos na tanghaling MVP muli.

Ito na ang seventh title ng kanyang Hall of Fame career, at ikalawa sa franchise history.

Kabilang naman sa mga bumati na mga NBA stars sa pamamagitan ng social media ay sina LeBron James, Damian Lillard, Kevin Love, Ja Morant. Vince Carter, CJ McCollum, Josh Hart, Nicolas Batum, at iba.

-- Advertisement --