Sinuspinde na rin ng NBA ang lahat ng mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap ng coronavirus disease na tinagurian na ngayong pandemic.
Ang nakakagulat na hakbang ng pamunuan ng NBA ay matapos na ipatigil ang laro sana ngayong araw sa pagitan ng Utah Jazz at Oklahoma City Thunder.
Ito ay makaraang magpositibo umano sa COVID-19 ang NBA All-Star na si Rudy Gobert ng Jazz.
“The test result was reported shortly prior to the tip-off of tonight’s game between the Jazz and Oklahoma City Thunder at Chesapeake Energy Arena,” ayon pa sa liga. “At that time, tonight’s game was canceled. The affected player (Gobert) was not in the arena.”
Dahil dito maging ang mga players ng dalawang team ay isasailalim na rin sa quarantine.
Bago ito sa darating na Sabado sisimulan na sanang ipatupad ang unang NBA games na walang mga live fans.
Sa ngayon wala pang pahayag ang NBA kung kelan magbabalik ang mga laro lalo na at nalalapit na sana ang NBA playoffs.
“The NBA is suspending game play following the conclusion of tonight’s schedule of games until further notice… The NBA will use this hiatus to determine next steps for moving forward in regard to the coronavirus pandemic.”