-- Advertisements --
87DtcztWy34CG4E9jJwf39

Kumpleto na ang 2023 Postseason schedule ng National Basketball Association.

Sa pinakahuling laban sa NBA bago ang Postseason, tinalo ng Miami Heat ang Chicago Bulls sa score na 102 – 91 para sa Eastern Conference habang sa Western Conference ay tinalo naman ng Minnesota Timberwolves ang Oklahoma City Thunder.

Ang dalawang nabanggit na winner ang kukumpleto sa Playoff picture para sa taong ito.

Sa Western Conference, makakatapat ng top seed na Denver Nuggets ang Minnesota. Ang 2nd seed na Memphis Grizzlies ay haharapin ng heavy favorite na Los Angeles Lakers habang ang 3rd seed na Sacramento Kings ay makakaharap ng 2022 NBA Champion na Golden State Warriors.

Ang Number 4 seed na Phoenix Suns ay muli namang makakaharap ang nagbabalik na Los Angeles Clippers.

Para sa Eastern Conference, ang top seed at 2021 NBA Champion na Milwaukee Bucks ay makakaharap ng Miami Heat.

Ang 2022 Eastern defending champion na Celtics ay makakatapat ang Hawks. Sa lower tier, magtatapat ang 76ers at Brooklyn Nets, kasama na ang pagtutuos ng Cavaliers at Knicks.

Apat na games naman ang nakatakda bukas kasabay ng pagsisimula ng Postseason, na kinabibilangan ng Warriors vs Kings; Celtics vs Hawks, 76ers vs Nets, at Knicks kontra Cavaliers.