Nakatikim nang puna at batikos ang ilang mga NBA superstars dahil sa ilang mga reklamo sa kanilang venue at kondisyon sa gagawing pagbabalik ng mga laro sa loob ng Walt Disney World sa Orlando, Florida.
Una rito ang Sixers center na si Joel Embiid at ang bagong miyembro ng Lakers na si J.R. Smith ay kinantyawan ang ibinibigay sa kanila na suplay na pagkain at sa 22 mga NBA teams.
Si Lakers Rajon Rondo naman ay inihalintulad ang kanyang magarang hotel sa isang motel lamang.
Pero nainis dito ang ESPN basketball analyst na si Jay Williams at dating NCAA star sa Amerika na muntik na ring maging NBA player.
Dapat daw na maging sensitibo ang naturang mga milyonaryong players sa krisis ngayon na iba na ang panahon ng pandemic.
Dagdag pa niya, marami aniya ang naghihirap at nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19.
“You’re in a billion-dollar bubble,” ani Williams. “If you want to complain about the anxieties you have from COVID-related issues, I get it, complain about that. We all have the right to complain about that. But when I hear NBA guys complaining about living facilities, food that they have being delivered to them, it is tone deaf. It is tone deaf. I want you to think about people who are everyday working people who are making minimum wage trying make ends meet, that are going to factories, that are going to really harsh working environments.”