Umabot na sa $750,000 ang nalikom na pera ng mga NBA players na donasyon para sa mga biktima ng wildfire sa Australian.

Karamihan sa mga dito ay mga Australian NBA players na sina Aaron Baynes ng Phoenix Suns, Jonah Bolden at Ben Simmons ng Philadelphia 76ers, Ryan Broekhoff ng Dallas Mavericks, Matthew Dellavedova at Dante Exum ng Cleveland Cavaliers, Joe Ingles ng Utah Jazz, Thon Maker ng Detroit Pistons at Patty Mills ng San Antonio Spurs.

-- Advertisement --

Sa joint statement na inilabas ng mga manlalaro na labis silang nabahala sa naging pinsala ng wildfire.

Magugunitang ilang libong kabahayan na ang natupok at halos 30 katao na ang nasawi sa nasabing wildfire.