Nagpaalala ngayon ang NBA sa mga lahat ng mga players na hindi pa nagpapabakuna at aalis ng Estados Unidos.
Inilabas ng NBA ang memo habang nalalapit ang All-Star Weekend (Feb. 20) na posibleng magbakasyon ang ilang mga players o kaya tumungo ng Canada.
Inihalimbawa ng NBA ang mga players na maglalaro sa Canada na hindi na muling makakapasok ng Amerika o ang isang unvaccinated player ay maglalaro sa labas ng US.
Ayon pa sa polisiya ng NBA, ang mga hindi bakunado na player ay hindi papayagang magbiyahe ng Toronto, Canada para maglaro.
Habang may bagong batas sa Canada na lahat ng mga bisita na papasok sa kanila ay dapat na vaccinated.
Sa mga may mabigat namang dahilan na hindi bakunado ay kinakailangan muna ang quarantine ng 14 na araw.
Una nang napaulat na 97% ng mga players ang nagpabakuna na habang nasa 60% naman ang tumanggap na ng booster shots.